Monday, December 1, 2008

p 18


2 comments:

Anonymous said...

Good day to all the staff of this publication.i just want to give my comment about the last issue of PAG-USAPAN PO NATIN. yong tungkol po sa barang. hindi po kasi kami sang-ayon na sinulat dun ang mga paraan ng pambabarang,kasi parang tinuruan nyo na po yong mga mambabasa kung paano po gawin yun. thanks and GOD BLESS PO

pagusapan said...

Maraming salamat po sa inyong comment, it's a very healthy comment, really.

For the past 3 issues tinalakay po namin ang tungkol sa Magic (sihir sa arabic), isa sa pinakamalaking kasalanan sa Judaism, Christianity, and Islam. Ang mga topic na napag-usapan ay tungkol sa kulam, Barang, at Gayuma.

Sinisikap po naming ilathala ang mga topic sang-ayon sa pagkasulat ng aming mga sources. Kung mayroon mang hindi nagustohan ng aming mambabasa, ay humihingi po kami ng paumanhin, at ang inyong mga puna ay nakakatulong upang maiwasang muli ang ganitong mga pangyayari.

Ayon sa aming research, wala na talagang nakakaalam ng tunay na black magic. Lahat ng mga ginagawa sa ngayon ay pagsusumikap na lamang upang subukan kung ang mga ito ay tatalab pa o hindi.

Ang mga ritual ng magic sa ngayon ay di na effective dahil nakalimutan na ang pinamahalagang ingredients nito - ang magic spell. Ang 'spell' (kung saan kinuha ang salitang spelling), kapag hindi ito nabigkas ng tama ay walang bisa. Ang ibig sabihin ng tamang pagbigkas ay ang pagbig-kas ng mga ito sa kanyang original na tinig at punto o tono.

Nakalipas ang daan-daang mga taon, nakalimutan na ang tamang pamamaraan ng pagbigkas, salamat sa Roman Catholic Church na siyang nag-utos sa buong Roman Empire sa pagbabawal ng black magic na ang kaparusahan ay kamatayan. Ang oral tradition ng pagtuturo ay nagwakas na rin, kung kaya sa mga aklat na lamang mababasa ang mga ito hanggang sa tuluyan ng nakalimutan ang mga ito. Kung meron mang magic spell ngayon na talagang nakakasira ng buhay ng tao, ito sa pamamagitan na lamang ng paggamit ng mga ipinabawal na droga sa siyang ginagamit ng mga mangkukulam upang maging effective ang kanilang pangkukulam. Mahirap gawin ito dahil kinakailangan ito ng pwersahan at ang magiging biktima ay maaaring makakaiwas o kaya'y lumaban. Sabi nga ng iba, mas nakakatipid pa ang gumamit ng bala kompara sa kulam.

Sa turo ng Judaisim, Christianity, at Islam, walang kasamaan na makakarating sa buhay ng isang tao na hindi pinahintulutan ng Pinakamakapangyarihang Diyos. Tanging pananalig lamang sa Kanya ang paraan upang magkaroon ng tunay na kapayapaan at katahimikan sa buhay, at ang pag-asa na walang kasamaang darating sa atin na hindi Niya alam. Ang lumang katuruan na bakat sa lahat ng relihiyon ay "Gawin sa iba ang gusto mong gawin ng iba sa iyo" at ang "Love thy neighbor as thyself" ay isang napakabisang magic spell na maaari nating gawin sa lahat ng panahon at pagkakataon. Ito ay subok na mabisa pa kaysa sa lahat ng mga tinatawag na black magic.

Maraming salamat po sa inyong mga komentaryo, nawa'y ang kapayapaan ay sumainyo at sa lahat ng mga nagsusumikap na tahakin ang tamang landas.